“Sayang si _____(aktres), nandoon na siya, eh, papasikat na, pinakawalan pa niya. Sinayang niya ang tsansa na ibinigay sa kanya, eh, ano pa aasahan niya ngayon, ang daming bago at mas maganda pa sa kanya.”
Nag-rate naman kasi ang unang programang nasalihan at naging bida na sa isang serye ang aktres pero hindi kinagat ng masa kaya hindi tumagal sa ere. Bukod dito, umakyat kaagad sa ulo niya ang kasikatan.
“Feeling niya siguro porke’t nag-rate naman ang first project niya, made na siya, bukod do’n, marami nang pumasok na endorsements at dumalas ang TV guestings at that time.
“Eh, ipinaramdam niya kaagad na sikat siya, kaya hayan, nawalan ng gana sa kanya ang mga tumutulong sa kanyang executives ng TV network dahil sa ugali niya.”
Kapag may taping o event daw ang aktres ay laging late at pagdating ay marami pang kung anu-anong pinagkakaabalahan o kaya may kausap sa cellphone kaya nairita na rin sa kanya ang mga nakatrabaho dahil nadi-delay silang magsimula at matapos.
Kaya pala biglang nawala sa limelight ang aktres at ang ikinatwiran ay back-to-school daw, pero ang totoo ay na-depress at parating nakikita sa mga gimikan at kasama ang mga kaibigan.
At ngayong back to work na si Aktres ay nakalulungkot dahil sa baguhan siya ipa-partner na produkto ng reality show na wala ring gaanong alam sa pag-arte.
Sabi nga ng mataray na katoto, “Sayang si _____ (aktres), kay _____(baguhang aktor) lang siya ipinartner, samantalang ‘yung mga kasabayan niya noong i-launch sila as group ay mga sikat na at may sariling teleserye.
Oh well, ganyan talaga ang buhay, kung minsan nasa ibabaw, kung minsan ay nasa ilalim.
No comments