Now Showing: My Ex and Whys
Sino itong Aktor, ‘di pa rin makaariba kahit ipinareha na sa magagaling

BIG! As in nasa heavy side nga ngayon ang noon pa napabalitang lilipat ng network na aktor na mula sa angkan ng mga artista.

Naintriga nga kami at hindi agad nahulaan nang i-blind item ito sa isang programa. Maski pa ang isang clue na ibinigay eh initials daw ng tatak ng isang brand ng refrigerator. Hula naman ako! Mali! Luma ang nahulaan ko!

Until bumulaga ang teaser ng isang teleserye at ito pala ang bagong makakasama ng mga bida sa nasabing palabas.

Oo! Nasa chubby side pa nga ito. Kaya nga ang b.i. sa kanya eh, naipareha na sa halos lahat ng bago rin at kapanabayan niyang leading ladies pero hindi nga naka-ariba.

At ang matindi sa nasabing blind eye, mukhang may hamon as in challenge ha at hindi hamon na ham ang production sa kanya na bawasan ang timbang niya para tuluyan siyang mai-push sa kanyang bagong tahanan.

Madali naman hulaan, eh. Pero sana seryosohin na niya ang hamon kasi sayang-mahusay din siyang artista!

Eh, baka naman sa bago niyang bahay na siya mapansin nang tuluyan!

No comments