Now Showing: My Ex and Whys
3 Pinoy Bibitayin Sa China Bilang Ganti Sa Paghuli Ng Mga Chinese Druglord Dito Sa Pilipinas

NAKATAKDANG bitayin ang tatlong Filipino na may kasong drug trafficking sa China – dalawang babae at isang lalaki – makaraang sentensiyahan ng Chinese Supreme People Court (SPC) ng naturang bansa, ayon sa Philippines Department of Foreign Affairs. Nabatid sa limang kinasuhan ng drug trafficking, tatlo ang pinatawan ng bitay habang ang dalawang Pilipino naman ay sinentensiyahan ng dalawang taong pagkakakulong .

“For three of the cases, after a thorough and serious review process, the SPC sustained the lower courts’ decisions, and the death sentences will be carried out in accordance to Chinese law,” batay sa ipinalabas na ulat ng DFA sa kanilang website. Inilarawan ng DFA ang mga sinentensiyahan na hindi pinangalanan: lalaki, edad 42, sa kasong smuggling, nakuha ang may 4,113 grams ng heroin sa kanya noong 28 Disyembre 2008, sa Xiamen; babae, 32, sa kasong smuggling, nakuha ang 4,110 grams ng heroin noong Disyembre, 2008, sa Xiamen; at isa pang babae, 38, smuggling, nakuha ang 6,800 grams ng heroin noong Mayo 24, 2008, sa Shenzhen. “As the public is aware, the Philippine Government has made sustained and exhaustive representations with the Chinese Government at all levels to seek mitigated sentences for all Filipinos on death penalty,” ayon pa sa DFA. Marj Dacoro

Share this story!
Visit and follow our website: Usapang Pinas

No comments