“Lahat ng mga extra-judicial na gawaing ito, ang talagang maapektuhan nito ay ‘yung mga mahihirap. Kasi ang mayayaman, makakabili ng baril, makaka-hire ng security guards, makakakuha ng resbak, may abogado. May access ‘yung mayayaman sa ibang tulong.” Ito ang pahayag ni defeated presidential candidate Mar Roxas sa panayam sa kanya ng ABS-CBN noong Lunes, Hunyo 27.
Ayon kay Roxas,nakakabahala na ang mga nagaganap ngayong extra-judicial killings, tanging ang mga maralita ang apektado at hindi ang mga mayayaman na kayang magbayad para daw sa kanilang proteksyon. Laman ng mga balita sa kasalukuyan ang sunod-sunod na pagkakapatay sa mga diumano’y hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Matatandaan na sa simula pa lamang ng kampanya ni incoming President Rodrigo Duterte, mariin na nitong isinusulong ang pagsugpo sa krimen at problema sa droga. Tahasan ring sinasabi ni Digong na papatayin niya ang mga mapapatunayan at mahuhuling Drug lords kung kinakailangan.
Visit and follow our website: Usapang Pinas
No comments