If it weren’t for your mother, you wouldn’t be living right now.
Mothers are the emotional backbones of the family. They provide the holding place for everyone’s feelings and do their best to keep us from being hurt. They are the most important person in our lives.
However, some children doesn’t know the importance of their mothers until it’s too late.
Take the case of this girl who allegedly insulted her mother for being blind.
According to a concerned netizen, a blind woman together with her two daughters took the same jeepney he was on.
While staring at them, he over-heard their conversation and was deeply saddened by how the eldest girl treated her blind mother even in public places.
Check out the whole story below and be ready with your tissues.
From: Carlo Go
May gusto akong ishare sa inyo. Kanina habang nasa jeep ako, may sumakay na dalawang batang babae kasama yung nanay nila na bulag. Yung anak niya na nakayellow, halatang inis kase iniismidan niya yung nanay niya. Tapos maya maya, nagbayad siya at inabot niya yung pera sa kapatid niya ng pagalit pa. Biglang nagsalita yung Nanay niya. Ang sabi:
Nanay: Anak, pasensya ka na. Naabala ko pa kayo. Pero pagkahatid niyo sakin, uwi na kayo para makapagpahinga na din kayo.
Anak: (Yung nakayellow) Lagi ka namang nagpapahatid samin! Ang aga aga pa, ginising mo na kami. Dapat kase ikaw nalang nagbyahe. Kaya mo naman.
Nanay: Kung kaya ko nga lang at nakakakita ako, ako nalang sana para di ko na kayo naiistrobo.
Anak: Bakit ba kase nabulag ka pa! Pati tuloy kame naiistorbo!
After niya sabihin yun, kitang kita ko na lungkot na lungkot yung nanay niya na parang gusto maiyak. Gusto kong sampalin at itulak palabas yung bata palabas sa jeep. Kung pwede lang talaga ginawa ko na. Hindi niya naisip na kahit na bulag yung Nanay niya pinipilit na magtrabaho para lang may maipakain sa kanila. Imbis na magpahinga nalang siya dahil sa ganung sitwasyon niya, ginugugol parin niya oras niya sa pagtatrabaho para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga anak niya kahit siya na mismo nahihirapan. Parang tinusok yung puso ko na binibiyak. Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Nasa isip ko na kahit papano, napakaswerte nila kase may Nanay parin sila na kahit ganun ang kalagayan, mahal na mahal parin sila at di pinapabayaan. Yung iba nga, hinihiling na magkaroon ng Nanay kase never nilang naranasan na magkaroon ng Nanay tapos sila na may Nanay, kung itrato nila parang wala lang. Napakawalang respeto nung anak. Kaya kayo, mahalin niyo yung Nanay niyo kase kahit ano, gagawin nila para inyo. Kahit hirap na sila, pinipilit parin nila magtrabaho may maipakain at mabigyan lang kayo ng mafandang buhay. Habang nandyan pa, bigyan niyo ng importansya yung mga bagay na ginagawa niya. Maliit man o malaki pero galing yun sa puso nila. Pag nakikita nilang nasasaktan kayo, mas doble yung sakit na nararamdaman nila. Pag nakikita nilang masaya kayo, mas doble yung saya na nararamdaman nila. Ganun talaga siguro pag Nanay no? Walang ibang hinangad kundi kasiyahan natin. Lagi niyong tatandaan na walang inang perpekto. Pero wala ring ina na gustong mapahamak ang anak nila. Naiinggit ako sa iba. Sana maranasan ko rin magkaroon ng Nanay. Gusto kong maramdaman kung pano magmahal, mag-alaga at magkaroon ng Nanay na kahit kelan hindi ko naranasan.
PS: Sorry mahaba. Gusto ko lang ishare yung nakita at narinig ko. Pati yung naramdaman ko. Hehe.
Another PS: Hindi ko nakuha yung eksaktong pagkakasabi nung anak sa convo nilang mag-ina pero sa kabuuan, ganyan yung ibig niyang sabihin.
What can you say about this?
No comments