Now Showing: My Ex and Whys
Popstar Princess Sarah Geronimo to host Pinoy Boyband Superstar

Wala pang kumpirmasyon pero usap-usapan na sa social media ang balitang si Popstar Princess Sarah Geronimo ang magiging host ng upcoming reality search for boys na Pinoy Boyband Superstar na dating La Banda Philippines.

Noong Abril ay pumirma ng bagong kontrata si Sarah Geronimo at nakapaloob dito ay isang reality show ang gagawin nya, ito na kaya ang Pinoy Boyband Superstar?


Kung si Sarah Geronimo ang magiging host nito tiyak na bagay sa kanya ang naturang programa anong sey nyo mga Popsters?

Tama ba ang aming nakalap na balita na matagal pa ito simulan dahil marami pang inaayos at sa Nobyembre ito magsisimula? Kaya nga ba minabuti na iere kaagad ang Pinoy Big Brother Season 7dahil hindi pwedeng magsabay sa ere ang dalawang reality show.

Meron din usap-usapan na tuwing weekend lang ito ipapalabas pero wala pa rin kumpirmasyon mula sa ABS-CBN. May tsika din na gagawin na lang itong segment ng Its Showtime true ba ito?

Bukod kay Sarah Geronimo lumutang din ang pangalan ni KC Concepcion sa mga napipisil na maging host ng Pinoy Boyband Superstar.

Ang kumpirmado ay sina Yeng ConstantinoVice Ganda at Sandara Park na magiging Judges sa inaabangan na reality search na Pinoy Boyband Superstar.

No comments