Now Showing: My Ex and Whys
Action-Fantasy Drama na 'My Super D' magtatapos na sa July 15

Marami ang nagulat sa biglaang pag anunsyo ng Kapamilya Network sa kanilang action-fantasy drama na My Super dahil huling dalawang linggo na lang nito sa ere.

Kung kami nga ay nagulat at ilang telebyuwers im sure gulat din ang cast and crew nito dahil ang show nila ay tatapusin ng maaga.

Sa mga hindi nakakapansin bago magtapos ang isang kapamilya show 4 weeks before na matapos ito ay mag-aanunsyo sila sa telebisyon.


Anyare? mas matagal pa ang paghihintay kaysa sa umere ito sa telebisyon.

Dalawang primetime bida shows ang magtatapos una na dyan ang Jane the Virgin at My Super D at bukod dyan isang Kapamilya Gold na We Will Survive na parehong sa July 15 ang finale nito.

Umabot sa isang season ang My Super D katumbas ng tatlong buwan sa ere dahil nagsimula ito noong Abril 18 at nakatakdang magtapos sa Hulyo 15.

Luhaan sa tv ratings ang My Super D dahil nakakuha ito ng 15% laban sa Wowowin na nakapagtala ng 15.9% noong Hunyo 30 samantala 14.4% ang nakuha ng serye We Will Survive ito ay base sa datos ng Kantar Media.

Abangan ang huling dalawang linggo ng action-fantasy drama na My Super D pagkatapos ng We Will Survive at bago mag TV Patrol sa Primetime Bida.

No comments