Now Showing: My Ex and Whys
RomCom Queen na si Jennylyn Mercado mananatiling Kapuso!

Naging usap-usapan kamakailan lang na lilipat ang Kapuso Actress na si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN pero hanggang ngayon ay wala itong kumpirmasyon mula sa Kapamilya Network.

Pero sa nagdaang mga araw ay unti-unti ng nabibigyan ng linaw ang tsikang iiwanan na nya ang Kapuso Network.

Mananatiling "KAPUSO" si RomCom Queen Jennylyn Mercado ito ay base sa mga post nito sa kanyang verified Facebook Page na Jennylyn Mercado.

May malaking pasabog nga na magaganap sa July 4 sa GMA Network at kung hindi kami nagkakamali ito ay ang pagpirma ni Jennylyn Mercado sa Kapuso Network.

Parehong ipinost ng GMA Network at Facebook Fanpage ni Jennylyn Mercado ang big announcement na may hashtag na #EmpoweredFilipina "She is making her choice known on July 4.

 
Mukhang tinanggap na din ni Jennylyn Mercado ang offer sa kanya ng GMA7 na gumanap bilang Steffi Cheon sa pinoy adaptation na My Love from the Star.

Aba dapat natin abangan yan sa July 4 ang big announcement nang GMA Network dahil balitang may bago pang "Kapuso" na pipirma sa nasabing istasyon.

No comments